Philhealth's Coverage for Overseas FIlipino Workers Medicare
Program (Added Mar 22 2007)
Mga Karaniwang Tanong sa Overseas Workers Program ng PhilHealth
Membership:
1.Bakit ko dapat i-renew ang aking PhilHealth membership sa tuwing
ako ay aalis at magtatrabaho sa ibang bansa?
•Mahalaga ito para tuloy-tuloy ang coverage ninyo na magagamit
sa panahon ng pagkakasakit ninuman sa inyong pamilya.
2.Anu-ano ang mga dokumentong kailangan kong isumite para sa aking
renewal?
Isumite lamang ang alinman sa mga sumusunod:
-Active Overseas Employment Certificate (OEC)
-Valid Overseas Employment Contract
-Active re-entry visa o kahit na anong dokumento na nagpapatunay na
active OFW pa ang miyembro
3.Saan ako maaaring mag-renew ng aking membership?
Maaari po kayong mag-renew sa alinmang sa mga sumusunod:
-Tanggapan ng PhilHealth
-PhilHealth Balik Manggagawa Processing Center na nasa Philippine
Overseas Employment Administration (POEA)
-Tanggapan ng I-Remit na matatagpuan sa Singapore, London UK, Taipei
at Hongkong
4.Sino naman ang maaaring magproseso ng aking renewal kung ako ay
nasa ibang bansa?
•Sinuman sa inyong immediate family ay maaaring magproseso
ng inyong renewal. Kailangan lamang nila ng valid Identification Card
at magsumite ng anumang dokumento na magpapatunay na kayo ay isang
active OFW. Kung hindi kapamilya kailangan din ng authorization letter
galing sa miyembro at 2 valid IDs nila.
5.Ano ang kailangan kong gawin upang maisaayos ang mali o kulang
na impormasyon na naitala ko sa PhilHealth katulad ng civil status,
employment, tirahan, dependents at iba pa?
•Magfill-up lamang kayo ng 2 kopya ng Member Data Amendment
Form (M2) at isumite sa alinmang tanggapan ng PhilHealth kalakip ang
mga kaukulang dokumento na makikita sa likuran ng nasabing form.
6.Kung ako ay isang immigrant na ng ibang bansa, maaari ko pa bang
ipagpatuloy ang membership ko sa PhilHealth?
•Hindi na kayo maaaring maging miyembro pa ng PhilHealth kung
kayo ay magpapalit na ng pagkamamamayan (citizenship). Ngunit kung
kayo ay nasa Pilipinas maaari ninyong ipagpatuloy ang inyong PhilHealth
coverage bilang Voluntary member sa ilalim ng Individually Paying
Program.
Contribution:
1.Maaari bang ma-refund ang kontribusyon kung sakaling ako ay nakapagbayad
ng doble?
•May dalawang paraan para maisaayos ang dobleng bayad:
1st option: Maaaring i-refund ito sa mismong araw ng pagbabayad.
Ipakita lamang ang dalawang kopya ng resibo para makansela at ma-refund
ang huling bayad.
2nd option: Maaaring ipa-adjust na lamang ang binayaran para sa susunod
na kontribusyon.
Claims:
1.Gaano kabilis ang pagpoproseso ng PhilHealth claim?
•Ang pagpoproseso ng claim ay sa loob lamang ng 60 araw mula
sa petsa ng pagtanggap ng PhilHealth.
2.Magagamit ko ba agad ang benepisyo ko sa PhilHealth pagkatapos
kong makapagbayad ng aking kontribusyon?
•Sa mismong araw na ikaw ay nagbayad ng iyong kaukulang kontribusyon
ay maaari mo na itong magamit.
3.Saan maaaring i-file ang claim kung na-ospital ang aking dependent
sa Pilipinas?
•Maaaring i-file ang claim sa alinmang tanggapan ng PhilHealth
na nakakasakop sa ospital kung saan naconfine ang pasyente.
4.Kung expired na ang aking Member Data Record (MDR) maaari pa ba
akong makapag-claim ng kaukulang benepisyo?
•Maaari pa kayong mag-claim kung kayo ay makakapag-renew ng
inyong membership coverage sa loob lamang ng 30 araw pagkatapos na
ito ay mag-expired.
********************************
Nakaseguro pati kalusugan ng iyong pamilya…
Kasama rin sa iyong PhilHealth coverage ang mga sumusunod:
• Legal na asawa (hindi miyembro ng PhilHealth)
• Mga anak na mababa sa 21 taon gulang, walang asawa at hindi
nagtatrabaho. Kasama ang illegitimate, legitimated, adopted o step
children. Mga anak na 21
taon na o pataas ngunit may kapansanan (pisikal o sa pag-iisip) o
congenital illness ay kasama rin.
• Mga magulang 60 taon gulang o pataas na hindi miyembro ng
PhilHealth. Kasama ang step parents (kung patay na ang tunay na magulang)
at adoptive parents (kung may adoption papers).
Mga benepisyo sa ilalim ng OWP ng PhilHealth
Out-patient Care
• Lireng check-up at routine laboratory exams and medicines
na hindi lalagpas sa P500/pamilya kada isang taon sa mga accredited
OPD clinics. (sa Pilipinas lamang)
• Reimbursement sa day surgeries, kasama pati chemotherapy,
radiotherapy at dialysis sa mga accredited free-standing dialysis
clinics at ospital.
Special Benefit Packages
• Maternity Care Package – P4,500 para sa bawat unang
dalawang normal deliveries sa mga accredited lying-in clinics at hospitals
• TB-DOTS (Directly Observed Treatment Shortcourse) Package
– P4,000 para sa gamutan ng pulmonary at extra pulmonary tuberculosis
sa mga accredited TB-DOTS Centers. (sa Pilipinas lamang)
• SARS Package na aabot sa P50,000.
• Avian Influenza / Influenza Pandemic o Bird Flu na aabot sa
P50,000
Mga dapat tandaan sa pagkamit ng benepisyo Local confinement
a. Upang makamit kaagad ang benepisyo ng PhilHealt bago lumabas ng
ospital,isumite sa PhilHealth Section ng ospital ang mga sumusunod:
• Original PhilHealth Claim Form 1
• Valid Medicare Eligibility Certificate (MEC) o EnhancedMember
Data Record (MDR), PhilHealth Premium Payment Receipt (i.e. E-receipt,
PhilHealth Official Receipt, MI-5)
• kopya ng dokumentong magpapatunay sa relasyon nglegal na
dependent sa miyembro (kung wala pa ito sa Enhanced MDR)
b. Kung binayaran ng buo ang ospital (no PhilHealth deductions),
isumite ang mga sumusunod sa Tanggapan ng PhilHealth sa loob ng 60
araw pagkalabas ng ospital upang makamit ang karampatang PhilHealth
benefits:
• Original PhilHealth Claim Form 1 na napunan ngmiyembro o
ng kamag-anak ng miyembro
• Original PhilHealth Claim Form 2
• Original PhilHealth Claim Form 3 (para lamang sana confine
sa level 1 hospital (primary) o naospital na hindi lalagpas ng 24
oras.
•
Valid Medicare Eligibility Certificate (MEC) o Enhanced Member Data
Record (MDR), PhilHealth Premium
Payment Receipt (i.e. E-receipt, PhilHealth Official Receipt, MI-5)
• Original Official Receipt (OR); o kaya Waiver na galingsa
ospital na nagpapatunay na walang naibawas na PhilHealth benefits
sa kabuuang babayaran.
• Hospital Operative Record (kung may ginawang surgica procedure)
Note: Maaaring pirmahan ng tinalagang kinatawan ng miyembro ang PhilHealth
Claim Form 1(mahihingi sa ospital, PhilHealth Office at maaaring mada-download
sa Forms page kung ang member ay nasa abroad.
Confinement abroad Isumite ang mga sumusunod sa Tanggapan ng PhilHealth
o sa Consular Office sa abroad sa loob ng 180 araw pagkaraang lumabas
ng ospital upang makamit ang karampatang benepisyo:
• Original PhilHealth Claim Form 1
• Valid Medicare Eligibility Certificate (MEC) o EnhancedMember
Data Record (MDR), PhilHealth Premium Payment Receipt (i.e. E-receipt,
PhilHealth Official Receipt, MI-5)
• kopya ng dokumentong magpapatunay sa relasyon nglegal na dependent
sa miyembro (kung wala pa ito sa Enhanced MDR)
• Official Receipt ng binayarang bill sa ospital at duktor
• Statement of account (may kaukulang singil para sakwarto,
gamot, X-ray at iba pang laboratory examinations, operating room at
bayad sa duktor).
• Medical Certificate mula sa attending physician kungsaan nakasaad
ang final diagnosis, petsa ng
pagkakaospital at mga iba pang serbisyong natanggap.
Note: Nakasalin dapat sa English ang mga dokumentong nakasulat sa
ibang wika.
***************************************
Paalala po!
Ituloy ang pagbabayad ng iyong kontribusyon upang masiguro ang tuloy-tuloy
na benepisyo mula sa PhilHealth! Maaaring bayaran ang taunang kontribusyon
na P900 sa mga sumusunod:
Sa abroad
Ang katumbas ng halagang P900 sa bansang kinaroroonan ay maaaring
bayaran sa Embahada
ng Pilipinas sa bansang pinagtatrabahuan.
Sa Pilipinas
Maaaring ipakiusap sa kamag-anak na bayaran ang kontribusyon sa alinmang
tanggapan ng PhilHealth na makikita sa buong kapuluan o PhilHealth
Balikmanggagawa
Processing Center na nasa Philippine Overseas Employment Administration
(POEA). Magpakita lamang ng dokumento (tulad ng
employment contract) na magpapatunay na ikaw ay OFW.
Heto pa po!
• Kung sakaling ikaw ay hindi na OFW, maaaring ituloy pa rin
ang iyong membership sa PhilHealth bilang isang Individually Paying
Member upang maipagpatuloy ang
pagkamit ng benepisyo mula sa Philhealth.
• Kung ikaw naman ay 60 taon gulang na at pataas, umabot na
nang 120 buwan ang iyong naihulog na kontribusyon sa PhilHealth at
hindi na nagtatrabaho, ikaw ay maaari nang maging Non-Paying Member.
Habang buhay mo nang makakamit ang benepisyo ng PhilHealth nang wala
ka nang babayarang kontribusyon.
ADDRESSES:
Overseas Workers Program (OWP)
• PhilHealth Central Office
11th Flr. Citystate Centre
Shaw Blvd., Pasig City
Contact Nos.
(02) 637-37-54
(02) 637-99-99
locals 1122 & 1124
(Cel) - 0918-963-5396
e-mail - owp@philhealth.gov.ph
• OWP Operations Center at POEA Ortigas Ave. corner EDSA, Mandaluyong
City
Contact Nos.
(02) 722-07-33, 725-51-78